Monday, January 4, 2016

ANG ATING PAG-ASA

"ANG ATING PAG-ASA"
BY: MARK ANDREW SALES PADILLA

Daan tungo sa tagumpay ay lubhang matarik at mapanganib
At marami ang sa atin ay pilit na hahatak pababa
Huwag tayong mawalan ng pag-asa, umiyak man tayo taas noo parin lalakad
Mga mahal natin, kaibigan sa buhay pataas tayo'y kanilang itutulak  Linangin natin ang taglay na kakayanan
Gaya ng mamahaling ginto
Na kailangang idaan sa apoy para masuri ang taglay nitong kapuruhan
Di magtatagal at tayo'y papaitaas
Huwag tayong sumuko, huwag nating itigil ang laban dahil kasama natin ang Diyos na mananagumpay
Tagumpay ay halos abot na natin
Pumailanglang, panatilihin ang lipad na may kapayapaan
Sabi nga nila tiyaga ang kailangan
Haluhan natin ng sipag at dalangin ng may pananampalataya sa Diyos
Mga pagdududa ay dapat nating  lupigin para
Makamit natin  ang magandang hangarin
May mga panahong walang kasing hirap ang mga pagdaraan natin sa buhay
Pero sino ang nagsabing ang buhay ay madali?
Pintuan ay bukas, maging maagap lagi tayo
Dahil sa kabila nito'y kaligayahang di malilip ang sa ati'y lalapit
Kapag ang ating mga pangarap ay napakasamay na
Huwag kailanman kalimutang lumingon sa ating pinanggalingan
Tayo naman ang sa iba ay luminga
Tulangan natin ang iba sa kanilang pagbangon
Ngayon na nasa rurok na tayo ng tagumpay
Kayakap ang pantasyang ating pinangarap
Manatili tayo sanang sa lupa nakatapak
Na may pagpapakumbaba sa lahat.

No comments: